Katanungan
ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon?
Sagot
Ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon ay ang overseas workers. Ang Overseas Filipino Workers o OFW ay ang mga indibidwal na piniling mangibang bansa upang magbigay serbisyo kapalit ng kitang inansiyal na makatutulong sa pansariling pangangailangan gayundin sa pangangailangan ng mga pamilya nito.
Sila ang maituturing na manipestasyong buhay sa konsepto ng globalisasyon dahil matatagpuan sila sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang kanilang paggawa sa ibang teritoryo ay higit na nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang bawat OFW na nasa ibang bansa ay nasa ilalim pa rin ng pangangalaga ng pamahalaan saagkat sinisiguro nitong mayroong tanggapan ang embahada sa ibang teritoryo na maaaaring lapitan ng mga ito.