Ang kabihasnang Africa ay?

Katanungan

ang kabihasnang africa ay?

Sagot verified answer sagot

Ang kabihasnang Afrika noong sinaunang panahon ay nahahati sa dalawang bahagi: ang silangan at ang kanluran.

Sa silangang bahagi ng kontinente matatagpuan ang mga imperyong itinatag tulad ng Egypt at Aksum. Sa kanluraning parte naman ay makikita ang mga umusbong na sibilisasyon tulad ng Mali, Ghana, at Songhai.

Ang mga nabanggit na kabihasnan ay nagkaroon ng mga mahahalagang ambag sa kasayayan. Ang ilan ay naging sentro ng kalakalan, ang iba naman ay kilala sa kanilang kayamanang gintong taglay.

Sagana sa likas na yaman ang buong kontinente ng Afrika. Bukod sa malawak ang kanilang lupain at kagubatan ay marami silang mga alagang hayon, at maging na rin ng mga mababangis na hayop.