Katanungan
ang kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan ay?
Sagot
Ang kaibahan nito, ang pangangailangan ay importante sa buhay ng mga tao at mahihirapan sila kung hindi nila ito natatamasa.
Halimbawa na lamang ng mga pagkain, tirahan, kuryente, tubig, at iba pang kailangan para mabuhay araw araw. Kasama rin dito ang edukasyon dahil ito ay pangangailangan upang mas mapaunlad ang mga tao.
Ang mga kagustuhan naman ay mga bagay na hindi importante at kayang mabuhay ng mga tao kahit wala ito minsan. Halimbawa na lamang nito ay ang mga video games, magarbong damit, at iba pa.
Bukod pa rito, kadalasan ang bitbit ng kagustuhan ay maikling kasiyahan lamang. Sa pangangailangan naman ay pang matagalan.