Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang?

Sagot verified answer sagot

Nakasalalay sa kilos-loob ng isang tao ang kanyang kalayaan. Ang kilos-loob ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na bumuo at gumawa ng mga sarili niyang desisyon.

Alam ng isang tao ang pagkakaiba ng tama o mali at nasa kanyang kalooban na kung ano ang gagawin o susundin niya habang siya ay nabubuhay.

Ang kalayaan ng isang tao ay may hangganan o limitasyon. Ito ay nakasaad sa mga batas at alituntunin na pinapatupad ng pamahalaan.

Sinisiguro nila na bagamat may kalayaan ang isang tao ay mayroon pa rin siyang responsibilidad sa lipunan. Sinumang lalabag sa mga batas ay makakatamo ng karampatang parusa.