Abala si Aling Martha sa paghahanda para sa pagtatapos ng kaniyang anak. Dahil nais niyang maghanda pa rito, napagpasiyahan niyang pumunta sa palengke at mamili.
Papasok sa palengke ay nakabangga niya ang isang batang madungis. Dahil sa hitsura at anyo ng bata ay agad siyang nahusgahan ng ale. Sa isip-isip nito, walang modo at hindi gagawa nang mabuti ang bata.
Nang makarating sa loob ng palengke at akmang babayaran na ang pinamili, napansin ni Aling Martha na wala na ang kaniyang kalupi. Inisip maigi ng ale kung saan maaaring naroon ang kaniyang kalupi.
Naalala niya ang nakabanggang bata. Sigurado siyang ito ang kumuha ng kaniyang lagayan ng pera. Hinanap niya ang bata sa palengke at agad naman niyang nakita. Tinanong niya ang bata ngunit tumatanggi ito.
Nagsisigaw na ang ale at tumawag na ng pulis. Pagdating ng mga awtoridad at akmang lalagyan na ng posas at dadalhin sa presinto, tumakbo ang bata at hindi inaasahang nabangga ng jeep. Hanggang sa huling hininga ng bata ay itinatanggi nito ang krimen.
Pag-uwi ni Aling Martha, nagtataka ang asawa nito kung saan galing ang pinamili niya gayung naiwan naman daw ng ginang sa kanilang bahay ang kaniyang kalupi. Hindi kinaya ng ale ang nalaman at nawalan ng malay.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Ang Kalupi. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!