Katanungan
Magbigay ng halimbawa tungkol sa “ang karanasan sa pamilya na nagbunsod sa akin upang magkaroon ng ganitong pananaw tungkol sa pamilya ay”
Sagot 
Ang nagpatibay sa aking pananaw sa isang mapagmahal na pamilya ay nagbunsod sa iba’t ibang karanasan. Ang mga dahilan at karanasang ito ay sumusunod:
Pagsasakripisyo ng Bawat Kasapi
Ang bawat miyembro ng aking pamilya ay may ginagawang sakripisyo upang mabuhay kami ng mapayapa at matiwasay. Ang mga magulang ko ay nagtatrabaho habang kaming magkakapatid ay nag-aalaga sa isa’t isa.
Pagpapahalaga sa isa’t isa
Mahalaga ang pagpapahalaga sa anumang relasyon. Kaya naman ang aking pamilya ay laging gumagawa ng paraan upang maipakitang mahalaga kami. At ganoon din kaming mga anak sa aming mga magulang.
Paggalang
Ang paggalang ang isa sa pinakamahahalagang itinuturo sa amin ng aking pamilya. Mula sa paggalang sa isa’t isa hanggang sa paggalang at pagrespeto sa iba pa naming mga kakilala sa labas n gaming pamilya.
Pananampalataya
Mahalaga ang pananampalataya bilang pundasyon n gaming pagkatao. At sa aking pamilya ko napulot ang pananalig sa Maykapal.
Pagiging masiyahin
Bilang isang pamilya, hilig namin ang pagpapasaya sa isa’t isa at paggasta ng aming oras bilang isang pamilya. Sa kabila ng mga problema, kinakailangan pa ring maging masiyahin upang hindi malugmok.
Pagharap sa mga Pagsubok
Ang pamilya namin ay hindi perpekto. Kami ay humaharap sa mga pagsubok. Ngunit anuman ang mga ito, sinisiguro naming haharapin namin ito nang magkakasama.