Katanungan
Ano ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o pablikasyon?
Sagot 
Ang kasaysayan, pagkilala, o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o publikasyon ay tinatawag na artikulo.
Ang artikulo, article sa wikang English ay mga isinulat na tala tungkol sa isang paksa. Ang mga artikulo rin ay maaaring isulat sa iba’t ibang anyo tulad ng kasaysayan, paglalarawan, pagkilala, bionote, sintesis, posisyong papel, talumpati, sanaysay, balita, editoryal, lathalain, at iba pang akdang pampanitikan.
Sumasaklaw ang isang artikulo sa mga madalas nating mabasa sa mga publikasyon lalo na sa mga pahayagan, magasin, journal, at maging online. Ito ay isang paraan nang masusing pagtalakay sa iba’t ibang paksa na kadalasang isinasagawa ng isang batikan at bihasang manunulat.