Ang Madilim Na Nakaraan Ng Aking Kabataan

Lumaki ako na walang magulang sa aking tabi. Ramdam ko gabi-gabi ang inggit ko sa aking mga kaklase na para bang nasa kanila na ang lahat. Meron silang magulang na nag-aalaga sakanila at nagpapalaki. Lumaki ako sa bahay namin na puno ng bisita palagi. Mga kamaganak na palaging nakatingin sa akin. Ako ay musmos pa lamang noon at nagtataka. Bakit nga ba sila sa akin galit?

Sa mga pasalubong na aking natatanggap. Wala naman akong mali na ginawa, ako ay isang bata lang na tila naghahangad lamang ng pagmamahal na galing sa kanyang magulang.

Lumaki ako na tila bang may kulang sa buhay ko. Inaamin ko na ginawa lang iyon ng aking magulang upang mabigyan din ako ng magandang kinabukasan pero minsan ang hirap lang unawain na para bang iniwan ako dito mag-isa. Siguro nga ganito lang talaga ang buhay. Tulad ng sinasabi ko ngayon sa isip ko, baka talagang ganun na baraha lang ang aking nakuha sa sugal ng ating buhay.

Ngayon ako ay malaki na at marunong ng mag-isip para sa aking sarili, mas naiintindihan ko na ang mga rason ng aking magulang sa kanilang ginawa. Sinong magulang nga ba naman ang gugustuhin na mawalay sa piling ng kanilang anak? Medyo mahirap lang talaga ang buhay ng pinoy kaya sila napilitan na gawin iyon.

Ang nais ko nalang ngayon ay wag maulit itong nanyari sa akin. Gusto ko andyan ako sa mga anak ko kapag kailangan nila ako. Gusto ko na araw-araw ko silang nayayakap. Gusto ko silang makitang lumaki at makamit ang kanilang mga sariling pangarap. Gusto ko maging isang mabuting magulang para sa aking mga mahal na anak!

Minsan lang tayongm mabubuhay sa mundong ito. Sana makita natin ang mga tunay na importanteng bagay sa ating buhay habang hindi pa huli ang lahat. Dahil limitado lang ang ating oras. Gamitin sana natin ito ng mabuti. Ito ay isang payo lamang galing sa akin. Sana ay wag ninyong masamain. Ok?