Katanungan
ang mandate of heaven ay paniniwala ng tsino na ang kanilang pinuno ay may basbas ng kalangitan. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita sa paniniwalang ito?
Sagot
Ang Mandate of Heaven ay paniniwala ng tsino na ang kanilang pinuno ay may basbas ng kalangitan.
Sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita sa paniniwalang ito ay nagkakaroon ng pagpapalit ng emperador kapag natalo sa digmaan.
Ang Mandate of Heaven ay ang itinuturing na isang pilosopong konsepto ng mga Intsik na nagmula sa Zhou Dynasty.
Ang paniniwalang ito ang gumagabay sa imperyo upang kilatisin ang kanilang emperador. Kalakip ng paniniwalang ito ang pagtataglay ng emperador ng sapat na kabaitan upang maging isang pinuno.
Samantala, sa mga pagkakataong bigo itong maisakatuparan ang mga nakaatas na tungkulin, ang pagkawala ng basbas at pag-aalis sa katungkulan ay nararapat harapin.