Ang maniwala sa sabi sabi walang bait sa sarili (KAHULUGAN)?

Katanungan

ang maniwala sa sabi sabi walang bait sa sarili (KAHULUGAN)?

Sagot verified answer sagot

Isa nanamang sawikain ang pangungusap na “Ang maniwala sa sabi sabi, walang bait sa sarili.” Gaya nang nabanggit na kanina, ang sawikain ay mga idyoma na hindi dapat bigyan ng literal na kahulugan.

Bagkus, kailangan pag-isipan kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito. Minsan ay may aral rin ito.

Sa “Ang maniwala sa sabi sabi, walang bait sa sarili.” ay isang sawikain na nagsasabing hindi dapat tayo magpapaniwala sa mga tsismis o mga naririnig natin mula sa iba na walang ebidensya o pruweba.

Dahil hindi naman natin malalaman kung totoo ang mga ito o hindi. Kaya mas mabuti para sa ating sarili na sa katotohanan lamang pumanig.