Ang mga bansang Japan, Italy, at Germany ay nabibilang sa?

Katanungan

ang mga bansang japan, italy, at germany ay nabibilang sa?

Sagot verified answer sagot

Ang mga bansang Japan, Italy at Germany ay nabibilang sa Axis Powers. Ang Axis Powers o sa tagalog ay kapangyaring Axis ay tumutukoy sa militar na samahan sa pagitan ng mga bansang may layuning kontrolin at sakupin ang buong mundo.

Ang pinaniniwalaang namuno rito ay ang Hapon sa pangunguna ni Emperador Hirohito, Italya sa ilalim ng pangunguna ni Benito Mussolini, at Alemanya sa pangunguna ni Adolf Hitler.

Ang mga alyansang bansang ito ay pumirma ng isang kasunduang naglalaman na magtutulungan ang mga ito sa mga pagkakataong aatake ang mga katunggaling bansa na nasa ilalim naman ng Allied Powers. Kabilang din sa napagkasunduan ang paghahati sa bansang Europa ng Italya at Alemanya. Samantala, sa Hapon naman mapupunta ang Asya.