Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng sumusunod maliban sa?

Katanungan

ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng sumusunod maliban sa?

Sagot verified answer sagot

Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng sumusunod maliban sa klima.

Ang pangkat-etniko o sa ingles ay ethnic group ay ang tawag sa mga grupo ng mga indibidwal na may pagkakahawig o pagkakatulad sa paniniwala, tradisyon, kultura, at maging sa lenggwaheng kanilang sinasalita.

Ang mga ito ang itinuturing na siyang nagpapayabong sa mayamang kultura ng bansa. Ang mga pangkat-etniko ay matatagpuan sa mga bahagi ng Luzon na kinabibilangan ng mga Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Bikolano, Aeta, Igorot, Ivatan, at Mangyan.

Matatagpuan naman ang mga Cebuano, Waray, Ilonggo, Ati, at Suludnon sa Visayas. Samantala, sa Mindanao naman makikita ang mga Badjao, Yakan, B’laan, Maranao, T’boli, Tausug, at Bagobo.