Katanungan
Ang mga nadadakip na gerilyang Pilipino ay ikinulong, pinarurusahan at pinatay sa?
Sagot
Ang mga nadadakip na gerilyang Pilipino ay ikinulong, pinarurusahan at pinatay sa Fort Santiago.
Ang mga gerilya ay ang mga sibilyan na sumusugod sa mga panlupang hukbo. Ang pagpapakahulugan ng mga kastila sa salitang ito ay digmaang maliit. Ang isang kasapi ng gerilya ay tinatawag na gerilyero.
Sa kabilang banda naman, ang paglusob ng mga gerilyero ay tinatawag na pakikibakang gerilya o isang irregular na digmaan sapagkat ang grupo ng mga mandirigma ay nasa maliit na bilang lamang.
Sa pakikibaka, ginagamit nila ang militar na taktika gaya ng biglaang paglusob o sabotahe upang maipanalo ang laban mula sa katunggaling pangkat.