Ang mga prinsipyong ginagamit sa pagkamamamayan ay tinatawag na?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ang mga prinsipyong ginagamit sa pagkamamamayan ay tinatawag na?

Sagot verified answer sagot

Ang mga prinsipyong ginagamit sa pagkamamamayan ay tinatawag na Jus Sanguinis at Jus Soli.

Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay ang pagiging bahagi nito sa isang bansa ayon sa batas na itinakda nito.

Ito ay nahahati sa dalawang prinsipyo na tinatawag na Jus sanguinis na tumutukoy sa pagkamamamayan ng isang tao ayon sa dugong nananalaytay sa kanya o sa madaling sabi kung ang isa sa kanyang mga magulang ay Pilipino.

Ang ikalawa naman ay ang Jus soli ay tumutukoy sa pagkamamamayan ng isang tao ayon sa lugar kung saan siya isinilang o ipinanganak taliwas man ito sa pagkamamamayan ng kanyang ama o ina.