Katanungan
ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan maliban sa isa ano ito?
Sagot
Ang lokasyon ng ating bansa ay nagkaroon ng tuwirang epekto sa paghubog ng kasaysayan tulad ng pagkakaroon ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at mga karatig na bansa nito, migrasyon ng mga katutubo, at pagdiskubre ng mga mananakop sa ating bansa.
Ang HINDI lamang nabibilang sa mga epekto na nakahubog sa kasaysayan ay ang naging kalaban ng Pilipinas ang mga karatig bansa nito. Dahil walang kinalaban ang ating bansa noong sinaunang panahon.
Nagpokus lamang ang ating mga ninuno sa pakikipagkalakalan o pakikipagpalitan ng mga produkto sa mga karating bansa natin tulad ng Indonesia at Malaysia. Kahit kultura ay nakibahagi tayo sa kanila.