Ang mga sumusunod ay mga elemento sa bawat estado maliban sa?

Katanungan

ang mga sumusunod ay mga elemento sa bawat estado maliban sa?

Sagot verified answer sagot

Maliban sa kayamanan, ang mamamayan, pamahalaan, at teritoryo ay mga elemento sa bawat estado. Ang mamamayan ay tumutukoy sa mga taong nasasakupan ng iasng estado o bansa.

Ang mga tao ay importante bagamat sila ang magpapagalaw sa ekonomiya ng bansa. Pamahalaan naman ang siyang tawag sa lupon ng mga mamamayan na naihalal upang maging lider at magtaguyod sa kapakanan ng buong bansa at ng iba pang mga mamamayan.

Teritoryo naman ang kabuuang lupa na nasasakupan ng isang estado, kabilang na rin ang mga anyong tubig na nakapalagid dito. Ang tatlong ito ay kailangan upang matawag na estado ang isang lupain.