Katanungan
ang mito myth ay hango sa salitang latin na?
Sagot
Ang mito/myth ay hango sa salitang latin na mythos na ang ibig sabihin ay kuwento. Sa wikang Griyego, ito ay hinango sa salitang muthos na may kaparehong kahulugan sa mythos
Ang mito o mitolohiya ay mga kumpol ng kuwentong tradisyunal na pumapatungkol sa mga diyos at diyosa alinsunod sa pagpapayaman sa relihiyon o sa ibang salita ay paniniwala.
Ang ganitong uri ng kuwento ay kadalasang nagbibigay pagpapakahulugan sa mga iba’t ibang kaganapan sa paligid.
Ilan sa mga popular na mitolohiya sa kasaysayan ay ang mitolohiyang Griyego na itinampok ang mga kilalang diyos at dyosa na sina Aphrodite, Athena, Zeus, Poseidon, at iba pa.