Katanungan
ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado?
Sagot
Mayroong pitong kontinente sa buong mundo. Ito ay ang Hilagang Amerika, Timog Amerika, Asya, Europa, Africa, Australia (o Oceania kung tawagin na ngayon), at Antarctica.
Sa pitong ito, ang pinakamaliit na kontinete base sa sukat nitong kilometro kuwadrado ay ang Australia (Oceania).
Kung ikaw ay titingin sa mapa, mahahalata mo naman talaga na ito ang pinakamaliit na kontinente. Binubuo lamang ito ng iilang mga bansa tulad ng Australia, New Zealand, at Papua New Guinea, at ng mga overseas territories tulad ng mga isla ng Coral Sea at Norfolk.
Ingles ang pinaka-karaniwang wika sa kontinenteng ito. Sila ay matatagpuan sa ilalim ng ekwador.