Ang Nobelang El Filibusterismo ay Tumatalakay sa Usaping?

Katanungan

Ang nobelang el filibusterismo ay tumatalakay sa usaping?

Sagot verified answer sagot

Ang nobelang el filibusterismo ay tumatalakay sa usaping pampulitikal. Ang nobelang pinamagatan na El Filibusterismo ay akdang naisulat ni Jose Rizal na kung saan iniaalay niya ito sa Gomburza o ang tatlong paring martir na binitay dahil sa pagmamahal nito sa sariling bayan.

Pinaniniwalaan na ang nobelang ito ay sikwel o karugtong ng naunang nobelang isinulat ni Jose Rizal na pinamagatang Noli Me Tangere na kung saan tumutukoy ang mga ito sa lagay ng bansa sa kamay ng mga mananakop na Espanyol.

Samantala, naging pokus ng El Filibusterismo ang usaping pulitikal ng bansa na naging sanhi upang lalong magising ang natutulog na diwa ng mga tao.