Katanungan
ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam?
Sagot
Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam, ito ay isang pahayag na nagpapakita ng kaisipang tama.
Ipinaliwanag ni Max Scheler na ang kabutihan ay hindi lamang nauunawaan ng isip subalit ito ay nararapat na maramdaman din ng tao mula sa kanyang mga naisasagawang aksyon.
Halimbawa, ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang napapa-unlad ang kaisipan ng tao na ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
Bagkus, ito rin ay nakapagdudulot ng pakiramdam gaya ng kasiyahan at kaluwagan sa loob kung saan ang pakiramdam na ito ang nagpapatibay na ang kilos ay tama.