Ang paglaki ng kita ng tao ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand?

Katanungan

ang paglaki ng kita ng tao ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand?

Sagot verified answer sagot

Ang paglaki ng kita ng tao ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand pakanan. Ito ay sa kadahilanan na kapag tumataas ang kita ng isang tao, ang kanyang demand para sa mga produkto at serbisyo ay tumataas rin.

Ibig sabihin ay mas marami na siyang perang pwedeng gastusin para sa kanyang mga kinakailangan kaya naman lumalaki ang demand.

Kung titignan ang kurba ng demand sa isang talangguhitan ay makikitang ang kurba ng demand ay uusog pakanan kapag ang kita ng isang tao ay tumaas.

Sa kabilang banda naman, pakaliwa ang magiging usog ng kurba kung magiging maliit ang kita.