Ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi ng greenhouse gases?

Katanungan

ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi ng greenhouse gases?

Sagot verified answer sagot

Global warming, o pag-init ng daigdig, ang tawag sa penomenon kung saan patuloy na tumataas ang temperatura ng atmospera ng mundo. Ito ay sanhi ng greenhouse gases tulad ng pagdoble ng CO2 o carbon dioxide at CH4 o methane sa atmospera.

Resulta ng global warming ang maraming natural na pangyayari sa ating daigdig ngayon, tulad ng pagkatunaw ng yelo sa Arctic regions at maging na rin ang pag-apoy ng mga kagubatan.

Nararanasan rin natin ang sobrang init tuwing tag-init at sobrang pag-ulan naman tuwing tag-ulan o tag-lamig. Ang ilang paglaganap o pagkalat ng mga sakit ay sa kadahilanan rin ng Global Warming.