Ang palagay ko tungkol sa alokasyon ay?

Katanungan Sagot

Katanungan

ang palagay ko tungkol sa alokasyon ay?

Sagot verified answer sagot

Ang palagay ko tungkol sa alokasyon ayAng palagay ko sa alokasyon ay hindi nalalayo sa konsepto ng pagba-budget ng pera. Bilang isang mag-aaral, kahit na wala pa akong kinikitang pera dahil ako ay hindi pa nakahahanap ng trabaho, nararansan ko rin ang pagba-budget.

Dapat ay mayroon akong maayos na alokasyon ng aking baong pera na ibinibigay sa akin ng mga magulang. Ang baong ito ay kailangan kong pagkasiyahin sa mga pangangailangan ko upang matugunan ito nang maayos at maging maayos din ang aking buhay bilang mag-aaral.

Nalalapit ito sa konsepto ng alokasyon dahil kailangang maayos ang paggamit at pamamahagi ng mga yamang nakukuha sa isang bansa upang hindi magkaroon ng mas malaking suliranin.