Katanungan
Ang palay ang pangunahing butil pananim sa maraming bansa sa timog silangang asya. Bakit ito itinuturing na napakahalagang butil pananim?
Sagot
Dahil pangunahing pagkain ito ng mga tao sa timog silangang asya. Kahit sa Pilipinas pa lamang ay parte na ng araw araw na buhay ang pag kain ng kanin.
Mula sa palay ang kanin kaya ito ang araw araw na kinakain ng mga Pilipino. Bukod pa rito, hindi lamang araw araw kung hindi tatlong beses sa isang araw ito kinakain ng mga Pilipino.
Dahil agrikultural na mga bansa ang nasa timog silangang asya, ito rin ang kanilang pangunahing produkto na nagtutustos sa kagutuman.
Ang ibang karatig bansa rin ay agrikultural na bansa at nakararanas ng tropikal na klima kaya ito rin ay angkop para sa mga palay.