Ang Payo Ng Guro (Buod)

Sinusundo na si Florante ng Albanya mula sa kaniyang paaralan sa Gresya. Agad naman siyang pinayagan ng kaniyang guro na si Antenor.

Nalungkot na noon ang kaniyang kaibigang si Menandro dahil mawawalay na siya sa kaniyang matalik na kaibigan. Ngunit isang magandang balita ang ipinahatid ni Antenor kay Minandro.

Pinayagan nito si Menandro na sumama kay Florante pabalik sa Albanya. Ikinatuwa naman ito ni Menandro at agad na pinasalamatan ang kaniyang amain at guro. Nagbilin ang guro sa kaniyang estudyanteng si Florante na lagi itong mag-iingat lalo na kay Adolfo.

Alam ng guro na nais talaga ni Adolfo na maghiganti lalo na kay Florante kaya naman kabilin-bilinan ng guro, maghanda rin si Florante nang palihim.

Agad namang inihatid ni Antenor ang dalawa sa sakayan. Ayon sa paglalarawan ni Florante sa kabanatang ito, ang sinakyan nila ay isang barko. Ang barkong ito raw ay ang pinakamabilis na barkong maaaring sakyan upang mabilis ding makauwi sa Albanya.

Pagkadating ng dalawa sa Albanya, dumiretso ang dalawa sa kaharian nila. Hinanap agad ni Florante ang ama niyang si Duke Briseo. Masaya ang dalawa sa muli nilang pagkikita. Ngunit ang hindi nila batid, ang kanilang masayang pagkikita ay nakatakdang mapalitan ng pighating dala ni Adolfo.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Ang Payo Ng Guro. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!