Katanungan
ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon?
Sagot
Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon ay ang Asya.
Ang Asya ay kabilang sa pitong kontinente ng mundo at tinaguriang pinakamalawak at malaki sapagkat ang sukat nito ay nasa sangkatlong bahagi ng mga lupain na matatagpuan sa daigdig.
Ang sukat ng lawak nito ay umaabot sa 44, 614, 000 km 2. Dahil na rin dito, ang Asya ay ang mayroong pinamalaking bilang ng populasyon dahil ito ay kinapapalooban ng 44 iba’t ibang bansa.
Dito rin sa kontinenteng ito matatagpuan ang bansang nagtataglay ng pinakamalaking bilang ng populasyon, ang China, kung kayat hindi maitatanggi na ito ang nangunguna sa lawak o laki maging sa populasyon.