Ang pinakamatandang epiko sa mundo?

Katanungan Sagot

Katanungan

ang pinakamatandang epiko sa mundo?

Sagot verified answer sagot

Ang epiko ni Gilgamesh o sa Ingles ay The Epic of Gilgamesh ang tinatayang pinakamatandang epiko sa buong mundo.

Ito ay nagsimula sa rehiyon ng Mesopotamia kung saan rin makikita ang sinaunang kabihasnan at imperyong itinatag sa kasaysayan. Dahil sa katandaan nito ay maraming bersyon na ngayon meron ang epiko.

Ayon sa epikong ito, ag pangunahing tauhan ay si Gilgamesh. Siya ay kalahating tao at kalahating diyos. Dahil doon ay siya ay may angking lakas at kapangyarihan na minsan ay kanyang naaabuso. Kaya naman ang mga diyos ay nagpasya na padalhan siya ng mga pagsubok at kalaban upang siya ay may matutunan.