Katanungan
Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
Sagot
Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na oikonomeia. Ito naman ay mula sa dalawang salita na oikos at nomos. Ang oikos ay salitang nangangahulugan na “bahay.”
Ang nomos naman ay salitang Griyego na ang kahulugan naman ay “pamamahala.” Maaari din raw na mangahulugan ang nomos na pagbibigay o pagbabahagi. Samakatuwid, ang salitang ekonomiya ay may kahulugang “household management” o “pangangasiwa sa tahanan” o “maayos na pagbabahagi.”
Ang una raw na tala ng ekonomiya ay nakuha noong 1440 bilang pag-aaral ng pagiging matipid at paggasta nang maayos sa mga likas yaman. Ang pinakauna naman daw na ekonimik system ay nalikha noong 1650s.