Ang salitang ito ay nangangahulugang isang nagmula sa aztlan isang mitikong lugar sa hilagang mexico?

Katanungan

ang salitang ito ay nangangahulugang isang nagmula sa aztlan isang mitikong lugar sa hilagang mexico?

Sagot verified answer sagot

Ang Aztec ay ang salitang nangangahulugang isang nagmula sa Aztlan na isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.

Ang Aztec ay isang kabihasnan na tinukoy na nagmula sa Aztlan. Ang kinilalang pinuno niyto ay si Montezuma II. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan dito ay ay pagtatanim.

Ang mga mamamayan ng kabihasnang ito ay higit na naniniwala at sumasamba sa mga Diyos na kanilang kinikilala. Ang pinakaimportanteng Diyos nila ay tinatawag na Huitzilopochtli na siyang tinaguriang diyos ng araw.

Ang diyos naman ng ulan ay kilala bilang Tlaloc. Isa sa pamamaraan ng pagsamba nila ay ang pag-aalay ng mga tao o indibidwal.