Katanungan
ang salitang kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence ay nagmula sa isang lingguwistikang?
Sagot
ang salitang kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence ay nagmula sa isang lingguwistikang si Dell Hathaway Hymes.
Ang kakayahang pangkomunikatibo ay ang kakayahang magamit ng wasto ang mga pangungusap sa larangan ng pakikipagtalastasan.
Ito ay ipinakilala ni Dell Hathaway Hymes na kilala bilang isang magaling at maimpluwensiyang antropologo at lingguistika.
Dahil sa kanyang layon na mabigyang kasagutan ang pamamaraan ng mga tao sa pakikipagtalastasan nabuo niya ang konsepto ng communicative competence o sa tagalog ay kakayahang pangkomunikatibo na higit na nakaaapekto sa aspeto ng pakikipagtalastasan.
Bukod sa nabanggit na konsepto nabigyang linaw din niya ang kakayahang lingguwistiko na umiikot naman sa abilidad ng indobidwal na magkaroon ng isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na mga pangungusap.