Katanungan
Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
Sagot 
Ang sinaunang Gresya o Greece ay isa sa mga pinakatanyag na sinaunang sibilisasyon sa buong mundo.
Ngunit noong kapanahunan ng kanilang pag-usbong, nahahati ang Gresya sa maliliit na lungsod-estado.
Ang mga lungsod-estado na ito ay may kanya-kanyang nasasakupan na lupa at pamahalaan na namumuno sa kanila. Dahil sa ganoon ang nangyari, hindi nagging matagumpay sa pagkakaisa ang sinaunang Gresya.
Isa sa mga dahilan dito ay sa bawat lungsod-estado, may iba’t-ibang kultura na na nabuo kaya iba’t-ibang kabihasnan na ang nagsimulang umusbong sa mga ito.
Halimbawa nalang, may grupo ng mga Sparta mula sa isang lungsod-estado na mahilig makipag-digmaan. Ngunit sa kabilang banda, may mga lungsod-estado na ayaw nakikilahok sa giyera.