Ang Taong Mahal Ko Siguro Para Sa Iyo Nalang Ito

Ikaw ang nagpapaliwanag ng aking makulimlim na mundo. Tiyak ang pagmamahal na nadarama ko galing sayo. Mula pa sa dulo ng mundo, ikaw ang susunduin ko. Ilang eroplano man ang bumagyo, dadalhin ko lamang ang payong ko. At tayong dalawa ay sasayaw sa ilalim nito habang ang mundo ay iikot sa mga mata mo.

Ikaw lang ang aking nakikita, sa umaga at sa gabi, ikaw lang ang aking diniriwang, sa tanghali at sa meriyenda, ikaw lang ang kakainin ko (hehe). Alam mo naman na lahat ng ito, ngunit walang-sawang sinasabi mo sakin na ulit-ulitin ko. Para turompo ang galaw ng puso mo kapag ikaw ay yinayakap ko.

Marami pa tayong pagdaraanan. Ang kalyeng lubak-lubak na ating dinadaanan. Pero para sa iyo, handa ako gawin lahat ito. Magsumikap mula araw hanggang gabi, para lamang makapiling ka sa hating-gabi. Mahal ko, o aking mahal. Sinisigaw ko sa sansinukob ang aking pagmamahal. Tiyak at malinis, walang bahid ng dumi. Napakarami na ang dumating, ngunit ikaw lang ang huminto para kilalanin ang aking malalim na damdamin.

Madalas tayo ay nagkakasundo, minsan naman ay balikuko. Pero walang-sawang pag pupursigi ang ating palaging sinsabi.

Lakas ng loob, lahat ito ay galing sayo. Pagka’t kapag ikaw ay katabi ko. Feeling ko, lahat ay kaya ko. Sana ay maging isang mabuting ehemplo din ako sa buhay mo. Dahil ikaw ang nagbago ng buhay ko. Marami pa tayong makikita. Marami pa tayong gagawin. Pero kapag hawak mo ang aking kamay. Alam ko na wala na akong ibang kelangan pang karamay.

Damay-damay nalang tayo. Sabi nga nila. Ang pag-ibig na nakakahawa, sana ikaw na bumabasa ay makaranas din ng walang katumbas na pag-aaruga. Dahil ang buhay natin ay iisa lamang. Napakalungkot kung gagastusin lang natin sa mga walang kahibangan na paraan.

Para sa aking minamahal, siguro sa iyo nalang, ang aking pusong ulila.

Salamat sa pag-basa. I lab you all