Ang teoryang nagsasabi na ang unang pangkat ng tao sa Pilipinas ay mula sa Taiwan?

Katanungan

ang teoryang nagsasabi na ang unang pangkat ng tao sa pilipinas ay mula sa taiwan?

Sagot verified answer sagot

Sa pag-aaral ng ating kasaysayan, malalaman natin na may iba’t-ibang mga teorya ang pumapalibot tungkol sa pinagmulan ng tao—partikular na ng mga Pilipino.

Ang teoryang austronesyano ay nagsasabing nagmula ang pangkat ng mga sinaunang Pilipino sa bansang Taiwan na siya naman matatagpuan sa bandang itaas ng ating bansa.

Halos karatig bansa lamang natin ang Taiwan kaya naman masasabi nating posible ang teoryang ito. Dahil sa teoryang ito, sinasabing lahing austronesian ang mga Pilipino.

Sa teoryang ito rin sinasabing naglakbay pa ang mga ibang sinaunang tao patungo sa Indonesia, Malaysia, Australia, at sa mga maliliit pa na isla malapit rito.