Ang wika ay masistemang balangkas

Katanungan Sagot

Katanungan

Ang wika ay masistemang balangkas

Sagot verified answer sagot

Ang wika ay masistemang balangkasAng wika ay masistemang balangkas. May sistema ang wika sa palatunugan (ponolohiya), palabuuan (morpolohiya), at palaugnayan (sintaks).

Mapapatunayan din ito sa pamamagitan ng kataga, ang gamit ng katinig o patinig sa pagbuo ng salita (PK, KP, KPK, KKP, KPKK, KKPKK). Gayundin ang gamit ayos at anyo ng pangungusap, nauuna ang simuno sa panaguri o ang panaguri sa simuno.

Ang wika rin ay napakahalaga sa pakikipagtalastasan kaya napakahalaga na maunawaan at matutuhan ang wastong balangkas ng wika.

Ang balangkas ng wika. Kasama sa balangkas ng wika ay ang pagtugon sa balarila ng wika o ang gramatika kung saan kasama ang makabuluhang tunog o tinatawag na ponema.