Ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang bansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang bansa?

Sagot verified answer sagot

Ang kasabihan na “Ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang bansa,” ay isang napakaganda at napakaimportanteng kasabihan.

Ito ay nangangahulugan lamang na ang ating mga wika o legguwahe ay mga repleksiyon ng ating kultura, tradisyon, mga paniniwala, at iba pa.

Iyong mapapansin na ang ating bansa ay sagana sa iba’t-ibang wika, kabilang na dito ang opisyal na wika ng bansa na Filipino. Ang iba pang halimbawa ay Ilocano, Hiligaynon, at Kapampangan.

Bawat sulok ng bansa ay may sariling diyalekto o wika. At sa mga lugar na ito ay makikitaan mo rin ng kanilang kanya-kanyang makulay at masayang kultura.