Sa unang Sabado, hiniling ng batang si Rebo na magdiwang ng kaniyang kaarawan kahit hindi pa mismo araw ng kaniyang kapanganakan.
Nag-imbita naman ng maraming bisita na animo’y kaarawan talaga ni Rebo. Marami din ang bumabati sa kaniya at maraming may regalo, kabilang ang paborito niyang beyblade.
Noong ikalawang Sabado naman, si Rebo naman ang dumalo sa isang birthday party. Nakipaglaro siya sa kaniyang mga pinsan ng beyblade.
Bago ang ikatlong Sabado, dinalaw niya si Rebo. Dito niya nakita ang nanghihinang si Rebo. Nawala na rin ang palangiting si Rebo at hindi na rin nito kaya pang laruin ang kaniyang paboritong beyblade. Nalalagas na rin ang kaniyang mga buhok.
Sa mismong ikatlong Sabado ay may mascot na nagtanghal nang libre para kay Rebo. Bagaman hirap na, ipinakita pa rin niyang masaya siya.
Sa ikaapat na Sabado, tuluyang nang nanghina si Rebo. Hindi na niya mapaikot ang laruan. Sa ikalimang Sabado naman, hindi na kinaya ni Rebo ang lahat at pumanaw na ito. Namatay siyang buhat ng kaniyang magulang sa mga bisig nito.
Sa ikaanim na Sabado, dito natapos ang lahat ng paghihirap ni Rebo. Hindi na muling malalaro pa ni Rebo ang kaniyang beyblade. Ngunit sa kinaroroonan niya ngayon, wala mang beyblade, wala naman doong sakit, hirap, at gutom.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Anim Na Sabado Ng Beyblade. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!