Katanungan
ano ang akademikong pagsulat paano ito naiiba sa iba pang uri ng pagsulat?
Sagot
Mayroong iba’t-ibang uri ng pagsusulat. Kabilang na rito ang akademikong pagsusulat. Kakaiba ang akademikong pagsusulat sa iba pang uri ng pagsusulat bagamat gumagamit ng mapanuring kaalaman at impormasyon ang akademikong pagsusulat.
Kinakailangan na sumailalim sa matindding pananaliksik ang bawat impormasyon o teksto na ilalagay sa isang akademikong pagsusulat.
Nararapat rin lang na makatotohanan ang mga impormasyon at datos na nilalaman. Ito ay sa kadahilanan na ang mga akademikong pagsusulat ay kadalasan na ginagamit sa mga unibersidad, paaaralan, medisina, at iba pang larangan ng edukasyon. Napakahalaga na ang lahat ng teksto ay pawing katotohanan lamang at walang opinyon o haka-haka nang manunulat.