Ano ang ambag ng Tsino sa larangan ng astronomiya?

Katanungan Sagot

4

Katanungan

ano ang ambag ng tsino sa larangan ng astronomiya?

Sagot verified answer sagot

Kilala ang mga Tsino sa kanilang ambag sa larangan ng astronomiya. Ang astronomiya ay tumutukoy sa sangay ng agham na pinag-aaralan ang kalawakan, kabilang na ang mga planetarya, ang araw, mga butuin, ang buwan, at iba pa.

Likas na magaling ang mga Tsino sa matematika, at gamit iyon ay isa sila sa mga unang nakadiskubre kung paano gumagalaw ang mga planeta. Maging na rin ang pag-ikot sa araw at sa buwan.

Sila rin ay lumikha ng mga imbensyon tulad ng star map kung saan makikita ang pagkakalagay ng mga butuin sa kalawakan.

Ang sundial at water clock naman ay parehong nagsasabi ng oras gamit ang paglubog at pagtaas ng araw at ang pagdaloy ng tubig.