Ano ang balagtasan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang balagtasan?

Sagot verified answer sagot

Ano ang balagtasanAng Balagtasan ay isang uri ng tulaang Pilipino na nasa anyong pagtatalo o debate. Tula pa rin ang ginagamit na paraan ng pagsasaad ng damdamin at mga argumento sa ginagawang pagtatalo.

Sinasabi ring ang Balagtasan ay isang himagsikan ng wika sapagkat naglalaban ang dalawa o higit pang manunula tungkol sa isang paksa gamit ang kanilang mga salita at tugma.

Ang katawagan sa uring ito ng panulaan ay inihango sa pangalan ng sinasabing ama ng panulaang Pilipino na si Francisco Balagtas.

Sinasabing unang nagsimula ang Balagtasan noong Abril 6, 1924 na ginawa ng mga pangkat ng mga manunula upang alalahanin ang kapanganakan ni Balagtas.