Katanungan
ano ang bantas (kahulugan tagalog)?
Sagot
Ang bantas o sa ingles ay tinatawag na punctuation marks ay ang mga iba’t ibang simbolo na ginagamit sa pangungusap upang maipakita ang wasto o tamang pagpapakahulugan nito.
Ito ay binubuo ng mga sumusunod:
tuldok para sa pagtatapos ng pangungusap; tandang pananong para sa pagtatanong o pagpapakita ng hindi pagka-kumbinsido o pag-aalinlangan; tandang padamdam na para naman sa pagpapakita ng matinding emosyon o damdamin; kuwit para sa paghihiwalay ng mga salita; kudlit bilang panghalili sa titik na inalis mula sa salita; gitling na ginagamit kung ang salita ay inuulit; tutuldok na ginagamit sa lipon ng grupo ng mga salitang may kasunod pa; at tuldok-kuwit na naghuhudyat o nagpapakita naman ng pagtatapos ng pangungusap subalit may kasunod pa.