Ano ang batas ng malayang pagbibigay?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang batas ng malayang pagbibigay?

Sagot verified answer sagot

Ang batas ng malayang pagbibigay, o sa Ingles ay law of free giving, ay isang batas na gumagabay sa bawat pamilya.

Hindi batas na may karampatang parusa ang batas na ito, kung hindi ay ito lamang ay isang prinsipyo na makakabuti sa pampamilyang pamumuhay.

Simple lamang ang ibig sabihin ng batas na ito, ang magbigay o maglaan tayo ng oras, bagay, o kahit anuman na walang hinihinging kapalit.

Sa ilalim rin ng prinsipyo na ito pumapasok ang usapin na ang bawat pamilya ay dapat magkaroon ng pag-uunawa sa isa’t-isa at maging bukal sa puso ang pagmamahalan. Ang batas na ito ang tulay para magkaisa ang pamilya.