Ano Ang Batas Rizal

Ipinasa ang panukalang batas ni noon ay Senador Claro M. Recto na gawing requirement sa mga paaralan, lalo na sa kolehiyo, ang pag-aaral ng buhay at mga akda ni Dr. Jose Rizal.

Inaprubahan ni dating Pangulo Ramon Magsaysay ang Republic Act No. 1425 o Batas Rizal noong Hunyo 12, 1956 bilang pagdiriwang na rin ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga mananakop.


Ano nga ba ang nilalaman ng batas na ipinasa upang manatili ang pagkamakabayan ng mga Pilipino kahit sa panahon ng pagiging malaya mula sa mga mananakop?

Pag-aaral ng mga akda ni Rizal sa haiskul

Sa batas Rizal, kinakailangang aralin ng mga estudyante at talakayin sa mga paaralan, pampubliko man o pribado, ang dalawang akda ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kailangan din ay nakasalin ito sa wikang ginagamit ng mga Pilipino.

Pag-aaral ng buhay ni Rizal sa kolehiyo

Saklaw din ng batas na ito ang pag-aaral ng buhay ni Rizal sa kolehiyo bilang isang asignatura. Aaralin dito ang kaniyang naging buhay at pakikipagsapalaran at paano isinulat ang kaniyang mga obra.

Paglalagay ng mga akda ni Rizal sa mga aklatan

Sa nasabing batas, kailangan din na mayroong mga akda ni Rizal na mababasa sa kanilang mga aklatan, lalo na ang mga paaralan at unibersidad, kabilang na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

More On Rizal