ano ang bilingguwalismo?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang bilingguwalismo?

Sagot verified answer sagot

ano ang bilingguwalismoAng bilingguwalismo ay ang pagtukoy sa paggamit sa dalawang wika. Ito ay isang pananaw kung saan ang isang tao ay nakapagsasalita ng dalawang wika na mayroong pantay na kasanayan o kahusayan kabilang ang pagsasalita, pagbasa, pakikiking, at pagsulat.

Tumutukoy din ang bilingguwalismo sa paggamit o pagkontrol ng isang tao sa dalawang wika na tila ba ang mga ito ay kaniyang katutubong wika.

Sa Pilipinas, bilang patakarang pang-edukasyon, ang bilingguwalismo ay tumtukoy naman sa paggamit ng dalawang wika, English at Filipino, sa pagtuturo sa mga paaralan o bilang wikang panturo. Sa Pilipinas kasi, marami ang bilingguwal o ang mga taong kayang gamitin nang pantay na kasanayan ang dalawang wika.