Ano ang citizenship (kahulugan tagalog)?

Katanungan

ano ang citizenship (kahulugan tagalog)?

Sagot verified answer sagot

Ang citizenship ay ang ganap na pagiging isang mamamayan ng partikular na bansa. Upang matiyak ang pagiging mamamayan sa isang bansa, ang isang tao ay nararapat na isinilang sa bansang pinagmulan ng kanyang mga magulang o kilala sa katawagan na in-born citizenship, pagka-mamamayan na nakuha ng isang tao mula sa pagpapakasal sa isang individual na tinatawag na citizen ng isang bansa, at ang proseso ng naturalisasyon.

Ang naturalisasyong ito ay kinapapalooban ng mga sumusunod na pamantayan: una, ang indibidwal ay nararapat na nnaninirahan sa bansa sa loob o higit pa ng limang taon.

Ikalawa, walang nalabag na panuntunan o batas, ikatlo, ang tao ay nararapat na nasa hustong gulang na; at ika-apat, ang tao ay nararapat na may taglay na karunungan hinggil sa wika ng bansa.