Katanungan
ano ang code switching?
Sagot
Ang code switching ay ang pagbiglang iba ng lenggwahe na gamit ng isang tao. Halimbawa na lamang na siya ay nagsasalita ng tagalog, ngunit bigla niya hahaluan ng ingles ang kaniyang pangungusap o pahayag.
Ang tawag dito ay Bilingguwalismo dahil dalawa ang kaya niyang gamitin na lenggwahe. Kadalasan sa panahon ngayon, ang pagsasalita ng tagalog na may ingles bigla ay tinatawag ng “conyo” ng mga kasalukuyang mamamayan.
Higit pa rito, nagagawa ito minsan dahil hindi pamilyar ang mga tao sa iilang tagalog na salita kaya sila lamang biglang nag iingles. Sinasalamin ito na malakas ang impluwensiya ng Estados Unidos sa ating kultura at wika.