Katanungan
ano ang colonial mentality?
Sagot
Ang colonial mentality ay isang pag-uugali na kung saan ang mga Pilipino ay mas binibigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay o konsepto na natutunan mula sa mga dayuhan kumpara sa mga bagay o konsepto na mula sa sariling bayan o bansa.
Ang mentalidad na tulad nito ay hindi nagbibigay ng mabuti o magandang epekto sa sariling bansa sapagkat naisasantabi at nawawalan ng halaga ang mga bagay na mula sa sariling bayan sapagkat higit na nabibigyan ng tuon o pansin gayundin ang pagpapahalaga sa mga bagay na natutunan o nalaman lamang sa mga dayuhan na nakarating sa bansa sa panahon ng pananakop ng mga ito.