Ano ang compass rose?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang compass rose?

Sagot verified answer sagot

Ano ang compass roseAng isang compass rose ay isang simbolo na makikita sa mga mapa na indikasyon naman ng direksyon upang mapabilis ang paghanap sa isang lugar.

Ito ay isa sa mga tandang ginagamit sa mga mapa upang matukoy ang kinaroroonan ng isang lugar na nagtataglay naman ng mga pangunahin at pangalawang direksiyon.

Ang mga pangunahing direksyon ay ang hilaga, silangan, kanluran, at timog. Karaniwang tinatawag din ang compass rose bilang isang windrose o rose of the winds.

Sa makabagong panahon, ang compass rose ay makikita na rin sa iba’t ibang navigation systems kasama ang sistemang ginagamit sa pagpapalipad ng mga eroplano, maging ang mga modernong global positioning systems (GPS).