Ano ang complementary colors?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang complementary colors?

Sagot verified answer sagot

Ang complementary colors o sa tagalog ay mga kulay na komplementaryo ay ang mga kulay na magkakatambal na matatagpuan sa magkabilang panig ng color wheel o gulong ng kulay.

Ang mga kulay ay nahahati sa iba’t ibang kategorya, ito ang mga: pangunahing kulay na binubuo ng kulay bughaw, dilaw, at pula na kung saan kapag pinagsama ang dalawa sa mga ito o lahat ay makakabuo ng panibagong mga kulay; ang komplementaryong kulay naman ay ang mga magkakaternong mga kulay na kakikitaan ng pagtutulungan sapagkat ang dating ng mga ito ay pareho o walang nakahihigit. Ilan sa mga halimbawa nito ang pula at lunti, dilaw at lila, at bughaw at kahel.