Katanungan
Ano ang contour shading?
Sagot 
Ang contour shading ay isang malikhaing paraan ng pagguhit na ginagamit sa larangan ng sining sa paglikha ng magagandang sketch o artist sketch.
Ang contour o paglalagay ng tila aninong mga linya ay ang nagsisilbing outline ng sketch na ginagawa. Ang contour na ito ay ang nagbibigay din ng ilusyon sa larawan o sketch na ginagawa ng makatotohanang resulta o guhit.
Sa katunayan, ang salitang contour ay nagmula sa isang French na salita na nagkakahulugang “outline.” Ang contour shading naman ay naglalarawan sa paglalagay ng shade o tila pakulay na parang anino sa guhit na ginagawa upang mas maging makatotohanan. Nagkakaroon ng epekto ng lighting o pailaw ang isang guhit na nilalagyan ng contour shading.