Katanungan
ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
Sagot
Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya. Kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya dahil kadugo nila ito at mahal nila.
Halimbawa na lamang ay ang mga magulang na may responsibilidad o obligasyon din na tulungan ang kanilang mga anak.
Ang mga ate at kuya na tinutulungan ang kanilang mga nakababatang kapatid para sa kanilang mga gawain sa paaralan.
Iyan ang magandang halimbawa ng pagtutulungan upang mas umunlad pa ang kanilang mga mahal sa buhay. bukod pa rito, nasa kanilang pagpapasya kung nais din nilang tulungan ang kanilang pamilya sa abot ng kanilang makakaya.